Nakikita ko ang Kanyang Dugo
Sa mga rosas ng bulaklak,
Luwalhati ng Kanyang mga mata sa mga bituing kumukutitap,
Katawan Niya'y nasa mga busilak;
Kanyang luha mula sa langit ay pumapatak.
Sa mga bulaklak Kanyang Mukha'y mababanaagan.
Mabulinig ang Kanyang Tinig sa kulog at mga ibong nag-aawitan.
At inukit ng Kanyang kapangyarihan,
Nakasulat Niyang salita,
Sa mga batuha'y matatagpuan.
Kanyang mga Paa'y mababakas sa lahat ng mga daan,
Pintig ng Kanyang Puso'y nagpapaalon sa karagatan,
Kanyang korona'y hinabi mula sa tinikan,
Bawat punong kahoy sa krus
Na sa Kanya'y pagpapakuan.

Joseph Mary Plunkett
No comments:
Post a Comment