hasikdiwa

May 11, 2009

Sa'n Man Bumaling Ika'y Naroon

    Mula sa huling dahon ng isang pambulsang aklat dasalan ay aking nasumpungan ang tula ng isang nagngangalang Joseph Mary Plunkett:

Nakikita ko ang Kanyang Dugo
Sa mga rosas ng bulaklak,
Luwalhati ng Kanyang mga mata sa mga bituing kumukutitap,
Katawan Niya'y nasa mga busilak;
Kanyang luha mula sa langit ay pumapatak.

Sa mga bulaklak Kanyang Mukha'y mababanaagan.
Mabulinig ang Kanyang Tinig sa kulog at mga ibong nag-aawitan.
At inukit ng Kanyang kapangyarihan,
Nakasulat Niyang salita,
Sa mga batuha'y matatagpuan.

Kanyang mga Paa'y mababakas sa lahat ng mga daan,
Pintig ng Kanyang Puso'y nagpapaalon sa karagatan,
Kanyang korona'y hinabi mula sa tinikan,
Bawat punong kahoy sa krus
Na sa Kanya'y pagpapakuan.

   Pagkaraan ng ilang sandaling pananaliksik ay aking nabatid na ito pala ay isa lamang sa higit sa 50 tulang hinabi niya bago takasan ng buhay sa gulang na 28 matapos bumaon sa kanyang katawan ang mga balang galing sa isang firing squad nuong ika-4 ng Mayo, 1916. Kaniya itong pinamagatang:
 
I see His Blood upon the Rose

I see his blood upon the rose
And in the stars the glory of his eyes,
His body gleams amid eternal snows,
His tears fall from the skies.

I see his face in every flower;
The thunder and the singing of the birds
Are but his voice—and carven by his power
Rocks are his written words.

All pathways by his feet are worn,
His strong heart stirs the ever-beating sea,
His crown of thorns is twined with every thorn,
His cross is every tree.


May 2, 2009

JC


Nakikita ko ang Kanyang Dugo 
Sa mga rosas ng bulaklak, 
Luwalhati ng Kanyang mga mata sa mga bituing kumukutitap, 
Katawan Niya'y nasa mga busilak; 
Kanyang luha mula sa langit ay pumapatak.


Sa mga bulaklak Kanyang Mukha'y mababanaagan. 
 Mabulinig ang Kanyang Tinig sa kulog at mga ibong nag-aawitan. 
At inukit ng Kanyang kapangyarihan, 
Nakasulat Niyang salita, 
Sa mga batuha'y matatagpuan.


Kanyang mga Paa'y mababakas sa lahat ng mga daan, 
Pintig ng Kanyang Puso'y nagpapaalon sa karagatan, 
Kanyang korona'y hinabi mula sa tinikan, 
Bawat punong kahoy sa krus 
Na sa Kanya'y pagpapakuan.

Joseph Mary Plunkett